Exodus 12

Nang gabing umalis ang mga Israelita sa Ehipto, binantayan sila ng Panginoon buong gabi. Kaya katulad ng gabing iyon taon-taon, magpupuyat ang lahat ng mga Israelita bilang pagpaparangal sa Panginoon at gagawin nila ito hanggang sa mga susunod pang henerasyon.

Exodus 12:42 (UKJV) It is a night to be much observed unto the LORD for bringing them out from the land of Egypt: this is that night of the LORD to be observed of all the children of Israel in their generations.

40Nanirahan ang mga Israelita sa Ehipto nang 430 taon.

41Sa huling araw ng 430 taon, umalis sa Ehipto ang buong mamamayan ng Panginoon.

42Nang gabing umalis ang mga Israelita sa Ehipto, binantayan sila ng Panginoon buong gabi. Kaya katulad ng gabing iyon taon-taon, magpupuyat ang lahat ng mga Israelita bilang pagpaparangal sa Panginoon at gagawin nila ito hanggang sa mga susunod pang henerasyon.

43Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron, “Ito ang mga tuntunin tungkol sa Pista ng Paglampas ng Anghel: “Hindi dapat kumain ang mga dayuhan ng mga pagkaing inihanda sa pistang ito.

44Makakakain ang lahat ng aliping binili kung natuli sila,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.