42Nang gabing umalis ang mga Israelita sa Ehipto, binantayan sila ng Panginoon buong gabi. Kaya katulad ng gabing iyon taon-taon, magpupuyat ang lahat ng mga Israelita bilang pagpaparangal sa Panginoon at gagawin nila ito hanggang sa mga susunod pang henerasyon.
43Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron, “Ito ang mga tuntunin tungkol sa Pista ng Paglampas ng Anghel: “Hindi dapat kumain ang mga dayuhan ng mga pagkaing inihanda sa pistang ito.
44Makakakain ang lahat ng aliping binili kung natuli sila,
45pero hindi maaaring kumain ang mga upahang trabahador at ang mga dayuhan.
46“Dapat itong kainin sa loob ng bahay kung saan ito inihanda; hindi dapat ilabas ang karne sa bahay, at huwag babaliin ang buto nito.