10Nang papalapit na ang Faraon at ang kanyang mga sundalo, nakita sila ng mga Israelita. Kaya lubha silang natakot at humingi ng tulong sa Panginoon.
11Sinabi nila kay Moises, “Bakit dito mo pa kami dinala sa disyerto upang mamatay? Wala bang libingan doon sa Ehipto? Bakit mo pa kami pinalabas sa Ehipto?
12Hindi baʼt sinabi namin sa iyo sa Ehipto na pabayaan mo na lang kaming magpaalipin sa mga Ehipsiyo? Mas mabuti pang nanilbihan na lang kami sa mga Ehipsiyo kaysa sa mamatay dito sa disyerto!”
13Sumagot si Moises sa mga tao, “Huwag kayong matakot. Magpakatatag kayo at makikita ninyo ang pagliligtas ng Panginoon sa inyo sa araw na ito. Ang mga Ehipsiyong nakikita ninyo ngayon ay hindi na ninyo makikita pang muli.
14Ang Panginoon ang makikipaglaban para sa inyo. Hindi nʼyo na kailangang makipaglaban pa.”