Exodus 14

Sumagot si Moises sa mga tao, “Huwag kayong matakot. Magpakatatag kayo at makikita ninyo ang pagliligtas ng Panginoon sa inyo sa araw na ito. Ang mga Ehipsiyong nakikita ninyo ngayon ay hindi na ninyo makikita pang muli.

Exodus 14:13 (UKJV) And Moses said unto the people, Fear all of you not, stand still, and see the salvation of the LORD, which he will show to you to day: for the Egyptians whom all of you have seen to day, all of you shall see them again no more for ever.

11Sinabi nila kay Moises, “Bakit dito mo pa kami dinala sa disyerto upang mamatay? Wala bang libingan doon sa Ehipto? Bakit mo pa kami pinalabas sa Ehipto?

12Hindi baʼt sinabi namin sa iyo sa Ehipto na pabayaan mo na lang kaming magpaalipin sa mga Ehipsiyo? Mas mabuti pang nanilbihan na lang kami sa mga Ehipsiyo kaysa sa mamatay dito sa disyerto!”

13Sumagot si Moises sa mga tao, “Huwag kayong matakot. Magpakatatag kayo at makikita ninyo ang pagliligtas ng Panginoon sa inyo sa araw na ito. Ang mga Ehipsiyong nakikita ninyo ngayon ay hindi na ninyo makikita pang muli.

14Ang Panginoon ang makikipaglaban para sa inyo. Hindi nʼyo na kailangang makipaglaban pa.”

15Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises, “Bakit patuloy ka pa ring humihingi ng tulong sa akin? Sabihin mo sa mga Israelita na magpatuloy sila sa paglalakbay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.