Exodus 14

Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises, “Bakit patuloy ka pa ring humihingi ng tulong sa akin? Sabihin mo sa mga Israelita na magpatuloy sila sa paglalakbay.

Exodus 14:15 (UKJV) And the LORD said unto Moses, Wherefore cry you unto me? speak unto the children of Israel, that they go forward:

13Sumagot si Moises sa mga tao, “Huwag kayong matakot. Magpakatatag kayo at makikita ninyo ang pagliligtas ng Panginoon sa inyo sa araw na ito. Ang mga Ehipsiyong nakikita ninyo ngayon ay hindi na ninyo makikita pang muli.

14Ang Panginoon ang makikipaglaban para sa inyo. Hindi nʼyo na kailangang makipaglaban pa.”

15Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises, “Bakit patuloy ka pa ring humihingi ng tulong sa akin? Sabihin mo sa mga Israelita na magpatuloy sila sa paglalakbay.

16Pagkatapos, itaas mo ang iyong tungkod sa dagat upang mahati ang tubig at makatawid ang mga Israelita sa tuyong lupa.

17Patitigasin ko ang puso ng mga Ehipsiyo upang habulin nila kayo. Ngunit lilipulin ko ang Faraon at ang kanyang mga sundalo, mangangabayo at mga karwahe. Sa pamamagitan nito, mapaparangalan ako.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.