Exodus 14

Pagkatapos, itaas mo ang iyong tungkod sa dagat upang mahati ang tubig at makatawid ang mga Israelita sa tuyong lupa.

Exodus 14:16 (UKJV) But lift you up your rod, and stretch out yours hand over the sea, and divide it: and the children of Israel shall go on dry ground through the midst of the sea.

14Ang Panginoon ang makikipaglaban para sa inyo. Hindi nʼyo na kailangang makipaglaban pa.”

15Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises, “Bakit patuloy ka pa ring humihingi ng tulong sa akin? Sabihin mo sa mga Israelita na magpatuloy sila sa paglalakbay.

16Pagkatapos, itaas mo ang iyong tungkod sa dagat upang mahati ang tubig at makatawid ang mga Israelita sa tuyong lupa.

17Patitigasin ko ang puso ng mga Ehipsiyo upang habulin nila kayo. Ngunit lilipulin ko ang Faraon at ang kanyang mga sundalo, mangangabayo at mga karwahe. Sa pamamagitan nito, mapaparangalan ako.

18At kapag nalipol ko na sila, malalaman ng mga Ehipsiyo na ako ang Panginoon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.