16Pagkatapos, itaas mo ang iyong tungkod sa dagat upang mahati ang tubig at makatawid ang mga Israelita sa tuyong lupa.
17Patitigasin ko ang puso ng mga Ehipsiyo upang habulin nila kayo. Ngunit lilipulin ko ang Faraon at ang kanyang mga sundalo, mangangabayo at mga karwahe. Sa pamamagitan nito, mapaparangalan ako.
18At kapag nalipol ko na sila, malalaman ng mga Ehipsiyo na ako ang Panginoon.”
19Pagkatapos, lumipat sa hulihan ang anghel ng Diyos na nangunguna sa mamamayan ng Israel, ganoon din ang makapal na ulap.
20Tumigil ito sa gitna ng mga Israelita at mga Ehipsiyo. Sa buong gabi, nagbigay ng liwanag ang ulap sa mga Israelita at nagbigay ng kadiliman sa mga Ehipsiyo. Kaya lumipas ang gabi na hindi nakalapit ang mga Ehipsiyo sa mga Israelita.