Exodus 14

Tumigil ito sa gitna ng mga Israelita at mga Ehipsiyo. Sa buong gabi, nagbigay ng liwanag ang ulap sa mga Israelita at nagbigay ng kadiliman sa mga Ehipsiyo. Kaya lumipas ang gabi na hindi nakalapit ang mga Ehipsiyo sa mga Israelita.

Exodus 14:20 (UKJV) And it came between the camp of the Egyptians and the camp of Israel; and it was a cloud and darkness to them, but it gave light by night to these: so that the one came not near the other all the night.

18At kapag nalipol ko na sila, malalaman ng mga Ehipsiyo na ako ang Panginoon.”

19Pagkatapos, lumipat sa hulihan ang anghel ng Diyos na nangunguna sa mamamayan ng Israel, ganoon din ang makapal na ulap.

20Tumigil ito sa gitna ng mga Israelita at mga Ehipsiyo. Sa buong gabi, nagbigay ng liwanag ang ulap sa mga Israelita at nagbigay ng kadiliman sa mga Ehipsiyo. Kaya lumipas ang gabi na hindi nakalapit ang mga Ehipsiyo sa mga Israelita.

21Pagkatapos, itinaas ni Moises ang kanyang kamay sa dagat, at nahati ang dagat sa pamamagitan ng malakas na hangin na ipinadala ng Panginoon mula sa silangan. Buong gabing umihip ang hangin hanggang ang gitna ng dagat ay naging tuyong lupa.

22At tumawid ang mga Israelita sa tuyong lupa, na ang tubig ay parang pader sa magkabilang gilid.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.