Exodus 14

Patitigasin ko ang puso ng mga Ehipsiyo upang habulin nila kayo. Ngunit lilipulin ko ang Faraon at ang kanyang mga sundalo, mangangabayo at mga karwahe. Sa pamamagitan nito, mapaparangalan ako.

Exodus 14:17 (UKJV) And I, behold, I will harden the hearts of the Egyptians, and they shall follow them: and I will get me honour upon Pharaoh, and upon all his host, upon his chariots, and upon his horsemen.

15Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises, “Bakit patuloy ka pa ring humihingi ng tulong sa akin? Sabihin mo sa mga Israelita na magpatuloy sila sa paglalakbay.

16Pagkatapos, itaas mo ang iyong tungkod sa dagat upang mahati ang tubig at makatawid ang mga Israelita sa tuyong lupa.

17Patitigasin ko ang puso ng mga Ehipsiyo upang habulin nila kayo. Ngunit lilipulin ko ang Faraon at ang kanyang mga sundalo, mangangabayo at mga karwahe. Sa pamamagitan nito, mapaparangalan ako.

18At kapag nalipol ko na sila, malalaman ng mga Ehipsiyo na ako ang Panginoon.”

19Pagkatapos, lumipat sa hulihan ang anghel ng Diyos na nangunguna sa mamamayan ng Israel, ganoon din ang makapal na ulap.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.