1Sinabi ng Panginoon kay Moises,
2“Sabihin mo sa mga Israelita na bumalik sila malapit sa Pi-hahirot, sa gitna ng Migdol at Dagat na Pula, at magkampo sila roon sa tabi ng dagat, sa harap ng Baal-zefon.
3Iisipin ng Faraon na nagkaligaw-ligaw kayo at hindi na makalabas ng disyerto.
4At patitigasin ko ang kanyang puso at hahabulin niya kayo. Ngunit papatayin ko siya at ang kanyang mga sundalo. Sa pamamagitan nitoʼy mapaparangalan ako, at malalaman ng mga Ehipsiyo na ako ang Panginoon.” Kaya ginawa ito ng mga Israelita.