Exodus 14

At patitigasin ko ang kanyang puso at hahabulin niya kayo. Ngunit papatayin ko siya at ang kanyang mga sundalo. Sa pamamagitan nitoʼy mapaparangalan ako, at malalaman ng mga Ehipsiyo na ako ang Panginoon.” Kaya ginawa ito ng mga Israelita.

Exodus 14:4 (UKJV) And I will harden Pharaoh's heart, that he shall follow after them; and I will be honoured upon Pharaoh, and upon all his host; that the Egyptians may know that I am the LORD. And they did so.

2“Sabihin mo sa mga Israelita na bumalik sila malapit sa Pi-hahirot, sa gitna ng Migdol at Dagat na Pula, at magkampo sila roon sa tabi ng dagat, sa harap ng Baal-zefon.

3Iisipin ng Faraon na nagkaligaw-ligaw kayo at hindi na makalabas ng disyerto.

4At patitigasin ko ang kanyang puso at hahabulin niya kayo. Ngunit papatayin ko siya at ang kanyang mga sundalo. Sa pamamagitan nitoʼy mapaparangalan ako, at malalaman ng mga Ehipsiyo na ako ang Panginoon.” Kaya ginawa ito ng mga Israelita.

5Nang mabalitaan ng hari ng Ehipto na tumakas ang mga Israelita, nagbago ang isip niya at ang lahat ng opisyal tungkol sa pag-alis ng mga Israelita. Sinabi nila, “Ano ba ang ginawa natin? Bakit natin pinaalis ang mga Israelita? Ngayon, wala na tayong mga alipin.”

6Kaya inihanda ng Faraon ang karwahe niya at ang kanyang mga sundalo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.