Exodus 14

Nang mabalitaan ng hari ng Ehipto na tumakas ang mga Israelita, nagbago ang isip niya at ang lahat ng opisyal tungkol sa pag-alis ng mga Israelita. Sinabi nila, “Ano ba ang ginawa natin? Bakit natin pinaalis ang mga Israelita? Ngayon, wala na tayong mga alipin.”

Exodus 14:5 (UKJV) And it was told the king of Egypt that the people fled: and the heart of Pharaoh and of his servants was turned against the people, and they said, Why have we done this, that we have let Israel go from serving us?

3Iisipin ng Faraon na nagkaligaw-ligaw kayo at hindi na makalabas ng disyerto.

4At patitigasin ko ang kanyang puso at hahabulin niya kayo. Ngunit papatayin ko siya at ang kanyang mga sundalo. Sa pamamagitan nitoʼy mapaparangalan ako, at malalaman ng mga Ehipsiyo na ako ang Panginoon.” Kaya ginawa ito ng mga Israelita.

5Nang mabalitaan ng hari ng Ehipto na tumakas ang mga Israelita, nagbago ang isip niya at ang lahat ng opisyal tungkol sa pag-alis ng mga Israelita. Sinabi nila, “Ano ba ang ginawa natin? Bakit natin pinaalis ang mga Israelita? Ngayon, wala na tayong mga alipin.”

6Kaya inihanda ng Faraon ang karwahe niya at ang kanyang mga sundalo.

7Dinala niya ang 600 na pinakamahuhusay na karwahe ng Ehipto at ang iba pang mga karwahe. Bawat isaʼy pinamamahalaan ng opisyal.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.