5Nang mabalitaan ng hari ng Ehipto na tumakas ang mga Israelita, nagbago ang isip niya at ang lahat ng opisyal tungkol sa pag-alis ng mga Israelita. Sinabi nila, “Ano ba ang ginawa natin? Bakit natin pinaalis ang mga Israelita? Ngayon, wala na tayong mga alipin.”
6Kaya inihanda ng Faraon ang karwahe niya at ang kanyang mga sundalo.
7Dinala niya ang 600 na pinakamahuhusay na karwahe ng Ehipto at ang iba pang mga karwahe. Bawat isaʼy pinamamahalaan ng opisyal.
8Pinatigas ng Panginoon ang puso ng Faraon na hari ng Ehipto, kaya hinabol niya ang mga Israelita na naglalakbay na buo ang loob.
9Ang mga Ehipsiyong sumáma sa paghabol ay ang mga hukbo ng hari, kasama ang lahat ng mga mangangabayo niyang sakay ng mga kabayo at karwahe. Naabutan nila ang mga Israelita sa pinagkakampuhan nila sa tabing-dagat na malapit sa Pi-hahirot, sa harap ng Baal-zefon.