Exodus 14

Ang mga Ehipsiyong sumáma sa paghabol ay ang mga hukbo ng hari, kasama ang lahat ng mga mangangabayo niyang sakay ng mga kabayo at karwahe. Naabutan nila ang mga Israelita sa pinagkakampuhan nila sa tabing-dagat na malapit sa Pi-hahirot, sa harap ng Baal-zefon.

Exodus 14:9 (UKJV) But the Egyptians pursued after them, all the horses and chariots of Pharaoh, and his horsemen, and his army, and overtook them encamping by the sea, beside Pihahiroth, before Baalzephon.

7Dinala niya ang 600 na pinakamahuhusay na karwahe ng Ehipto at ang iba pang mga karwahe. Bawat isaʼy pinamamahalaan ng opisyal.

8Pinatigas ng Panginoon ang puso ng Faraon na hari ng Ehipto, kaya hinabol niya ang mga Israelita na naglalakbay na buo ang loob.

9Ang mga Ehipsiyong sumáma sa paghabol ay ang mga hukbo ng hari, kasama ang lahat ng mga mangangabayo niyang sakay ng mga kabayo at karwahe. Naabutan nila ang mga Israelita sa pinagkakampuhan nila sa tabing-dagat na malapit sa Pi-hahirot, sa harap ng Baal-zefon.

10Nang papalapit na ang Faraon at ang kanyang mga sundalo, nakita sila ng mga Israelita. Kaya lubha silang natakot at humingi ng tulong sa Panginoon.

11Sinabi nila kay Moises, “Bakit dito mo pa kami dinala sa disyerto upang mamatay? Wala bang libingan doon sa Ehipto? Bakit mo pa kami pinalabas sa Ehipto?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.