Exodus 14

Hinabol sila ng mga sundalo ng Ehipto kasama ang kanilang mga mangangabayo, mga karwahe at mga kabayo.

Exodus 14:23 (UKJV) And the Egyptians pursued, and went in after them to the midst of the sea, even all Pharaoh's horses, his chariots, and his horsemen.

21Pagkatapos, itinaas ni Moises ang kanyang kamay sa dagat, at nahati ang dagat sa pamamagitan ng malakas na hangin na ipinadala ng Panginoon mula sa silangan. Buong gabing umihip ang hangin hanggang ang gitna ng dagat ay naging tuyong lupa.

22At tumawid ang mga Israelita sa tuyong lupa, na ang tubig ay parang pader sa magkabilang gilid.

23Hinabol sila ng mga sundalo ng Ehipto kasama ang kanilang mga mangangabayo, mga karwahe at mga kabayo.

24Nang mag-uumaga na, tiningnan ng Panginoon ang mga sundalo ng Ehipto mula sa makapal na ulap at naglalagablab na apoy, at nilito niya sila.

25Tinanggal niya ang mga gulong ng mga karwahe nila upang mahirapan silang patakbuhin ito. Sinabi ng mga Ehipsiyo, “Umatras na lang tayo sa mga Israelita, dahil ang Panginoon ang lumalaban sa atin para sa kanila.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.