23Hinabol sila ng mga sundalo ng Ehipto kasama ang kanilang mga mangangabayo, mga karwahe at mga kabayo.
24Nang mag-uumaga na, tiningnan ng Panginoon ang mga sundalo ng Ehipto mula sa makapal na ulap at naglalagablab na apoy, at nilito niya sila.
25Tinanggal niya ang mga gulong ng mga karwahe nila upang mahirapan silang patakbuhin ito. Sinabi ng mga Ehipsiyo, “Umatras na lang tayo sa mga Israelita, dahil ang Panginoon ang lumalaban sa atin para sa kanila.”
26Nang nakatawid na ang mga Israelita, sinabi ng Panginoon kay Moises, “Itaas mo ang iyong kamay sa dagat upang bumalik ang tubig at matabunan ang mga Ehipsiyo at ang karwahe nila at mga mangangabayo.”
27Kaya itinaas ni Moises ang kanyang kamay sa dagat, at nang sumisikat na ang araw, bumalik ang tubig sa dati nitong lugar. Tinangkang tumakas ng mga Ehipsiyo pero ipinaanod sila ng Panginoon sa dagat.