Exodus 14

Nang mag-uumaga na, tiningnan ng Panginoon ang mga sundalo ng Ehipto mula sa makapal na ulap at naglalagablab na apoy, at nilito niya sila.

Exodus 14:24 (UKJV) And it came to pass, that in the morning watch the LORD looked unto the host of the Egyptians through the pillar of fire and of the cloud, and troubled the host of the Egyptians,

22At tumawid ang mga Israelita sa tuyong lupa, na ang tubig ay parang pader sa magkabilang gilid.

23Hinabol sila ng mga sundalo ng Ehipto kasama ang kanilang mga mangangabayo, mga karwahe at mga kabayo.

24Nang mag-uumaga na, tiningnan ng Panginoon ang mga sundalo ng Ehipto mula sa makapal na ulap at naglalagablab na apoy, at nilito niya sila.

25Tinanggal niya ang mga gulong ng mga karwahe nila upang mahirapan silang patakbuhin ito. Sinabi ng mga Ehipsiyo, “Umatras na lang tayo sa mga Israelita, dahil ang Panginoon ang lumalaban sa atin para sa kanila.”

26Nang nakatawid na ang mga Israelita, sinabi ng Panginoon kay Moises, “Itaas mo ang iyong kamay sa dagat upang bumalik ang tubig at matabunan ang mga Ehipsiyo at ang karwahe nila at mga mangangabayo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.