Exodus 15

“Sa inyong kapangyarihan, ibinagsak nʼyo ang mga kumakalaban sa inyo. Ipinadama nʼyo sa kanila ang inyong galit na siyang tumupok sa kanila na parang dayami.

Exodus 15:7 (UKJV) And in the greatness of yours excellency you have overthrown them that rose up against you: you sent forth your wrath, which consumed them as stubble.

5Natabunan sila ng malalim na tubig. Lumubog sila sa kailaliman katulad ng isang bato.

6Dakila ang kapangyarihan nʼyo, O Panginoon; sa pamamagitan nito, dinurog nʼyo ang inyong mga kaaway.

7“Sa inyong kapangyarihan, ibinagsak nʼyo ang mga kumakalaban sa inyo. Ipinadama nʼyo sa kanila ang inyong galit na siyang tumupok sa kanila na parang dayami.

8Sa isang ihip nʼyo lang, nahati ang tubig. Ang dumadaluyong na tubig ay nahati at tumayo na parang pader; natuyo ang malalim na dagat.

9Nagyayabang na sinabi ng kaaway, ‘Hahabulin ko sila at huhulihin; paghahati-hatiin ko ang kanilang mga kayamanan at bubusugin ko nito ang aking sarili. Bubunutin ko ang aking espada at lilipulin sila.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.