4Ang mga karwahe at mga sundalo ng Faraon, itinapon niya sa dagat. Ang mga pinakamagagaling na opisyal ng Faraon ay nalunod sa Dagat na Pula.
5Natabunan sila ng malalim na tubig. Lumubog sila sa kailaliman katulad ng isang bato.
6Dakila ang kapangyarihan nʼyo, O Panginoon; sa pamamagitan nito, dinurog nʼyo ang inyong mga kaaway.
7“Sa inyong kapangyarihan, ibinagsak nʼyo ang mga kumakalaban sa inyo. Ipinadama nʼyo sa kanila ang inyong galit na siyang tumupok sa kanila na parang dayami.
8Sa isang ihip nʼyo lang, nahati ang tubig. Ang dumadaluyong na tubig ay nahati at tumayo na parang pader; natuyo ang malalim na dagat.