Exodus 15

Nagyayabang na sinabi ng kaaway, ‘Hahabulin ko sila at huhulihin; paghahati-hatiin ko ang kanilang mga kayamanan at bubusugin ko nito ang aking sarili. Bubunutin ko ang aking espada at lilipulin sila.’

Exodus 15:9 (UKJV) The enemy said, I will pursue, I will overtake, I will divide the spoil; my lust shall be satisfied upon them; I will draw my sword, my hand shall destroy them.

7“Sa inyong kapangyarihan, ibinagsak nʼyo ang mga kumakalaban sa inyo. Ipinadama nʼyo sa kanila ang inyong galit na siyang tumupok sa kanila na parang dayami.

8Sa isang ihip nʼyo lang, nahati ang tubig. Ang dumadaluyong na tubig ay nahati at tumayo na parang pader; natuyo ang malalim na dagat.

9Nagyayabang na sinabi ng kaaway, ‘Hahabulin ko sila at huhulihin; paghahati-hatiin ko ang kanilang mga kayamanan at bubusugin ko nito ang aking sarili. Bubunutin ko ang aking espada at lilipulin sila.’

10Ngunit sa isang ihip nʼyo lang, nalunod sila sa dagat. Lumubog sila sa kailaliman kagaya ng tingga.

11O Panginoon, sino po ba ang diyos na katulad nʼyo? Wala kayong katulad sa kabanalan at kapangyarihan. Kayo lang po ang Diyos na gumagawa ng mga kababalaghan!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.