9Nagyayabang na sinabi ng kaaway, ‘Hahabulin ko sila at huhulihin; paghahati-hatiin ko ang kanilang mga kayamanan at bubusugin ko nito ang aking sarili. Bubunutin ko ang aking espada at lilipulin sila.’
10Ngunit sa isang ihip nʼyo lang, nalunod sila sa dagat. Lumubog sila sa kailaliman kagaya ng tingga.
11O Panginoon, sino po ba ang diyos na katulad nʼyo? Wala kayong katulad sa kabanalan at kapangyarihan. Kayo lang po ang Diyos na gumagawa ng mga kababalaghan!
12“Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, nilamon ng lupa ang aming mga kaaway.
13Sa pamamagitan ng walang tigil nʼyong pagmamahal, gagabayan nʼyo ang inyong mga iniligtas. Sa pamamagitan ng inyong lakas, gagabayan nʼyo sila sa banal nʼyong tahanan.