Exodus 15

Sa pamamagitan ng walang tigil nʼyong pagmamahal, gagabayan nʼyo ang inyong mga iniligtas. Sa pamamagitan ng inyong lakas, gagabayan nʼyo sila sa banal nʼyong tahanan.

Exodus 15:13 (UKJV) You in your mercy have led forth the people which you have redeemed: you have guided them in your strength unto your holy habitation.

11O Panginoon, sino po ba ang diyos na katulad nʼyo? Wala kayong katulad sa kabanalan at kapangyarihan. Kayo lang po ang Diyos na gumagawa ng mga kababalaghan!

12“Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, nilamon ng lupa ang aming mga kaaway.

13Sa pamamagitan ng walang tigil nʼyong pagmamahal, gagabayan nʼyo ang inyong mga iniligtas. Sa pamamagitan ng inyong lakas, gagabayan nʼyo sila sa banal nʼyong tahanan.

14Maririnig ito ng mga bansa at manginginig sila sa takot. Lubhang matatakot ang mga Filisteo.

15Ang mga pinuno ng Edom at Moab ay manginginig sa takot, at ang mga pinuno ng Canaan ay hihimatayin sa takot.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.