10Ngunit sa isang ihip nʼyo lang, nalunod sila sa dagat. Lumubog sila sa kailaliman kagaya ng tingga.
11O Panginoon, sino po ba ang diyos na katulad nʼyo? Wala kayong katulad sa kabanalan at kapangyarihan. Kayo lang po ang Diyos na gumagawa ng mga kababalaghan!
12“Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, nilamon ng lupa ang aming mga kaaway.
13Sa pamamagitan ng walang tigil nʼyong pagmamahal, gagabayan nʼyo ang inyong mga iniligtas. Sa pamamagitan ng inyong lakas, gagabayan nʼyo sila sa banal nʼyong tahanan.
14Maririnig ito ng mga bansa at manginginig sila sa takot. Lubhang matatakot ang mga Filisteo.