21Tuwing umaga, nangunguha ang bawat isa ayon sa kanyang kailangan. At kapag uminit na, natutunaw ang pagkaing hindi nila nakukuha.
22Sa ikaanim na araw, doble ang kanilang kinukuha, mga dalawang salop bawat tao. Kaya pumunta ang mga pinuno ng mamamayan kay Moises at ibinalita iyon sa kanya.
23Sinabi ni Moises sa kanila, “Iniutos ng Panginoon na magpahinga kayo bukas dahil Araw ng Pamamahinga, na banal na araw para sa Panginoon. Kaya lutuin ninyo ang gusto ninyong lutuin, at ilaga ang gusto ninyong ilaga. Ang matitira ay ilaan upang bukas.”
24Kaya itinira nila ito para sa susunod na araw ayon sa iniutos ni Moises. At kinaumagahan, hindi ito nangamoy o inuod.
25Sinabi ni Moises, “Kainin nʼyo iyan ngayon, dahil ngayon ang Araw ng Pamamahinga para sa Panginoon. Wala kayong makikita niyan ngayon.