Exodus 16

Sinabi ni Moises, “Kainin nʼyo iyan ngayon, dahil ngayon ang Araw ng Pamamahinga para sa Panginoon. Wala kayong makikita niyan ngayon.

Exodus 16:25 (UKJV) And Moses said, Eat that to day; in order to day is a sabbath unto the LORD: to day all of you shall not find it in the field.

23Sinabi ni Moises sa kanila, “Iniutos ng Panginoon na magpahinga kayo bukas dahil Araw ng Pamamahinga, na banal na araw para sa Panginoon. Kaya lutuin ninyo ang gusto ninyong lutuin, at ilaga ang gusto ninyong ilaga. Ang matitira ay ilaan upang bukas.”

24Kaya itinira nila ito para sa susunod na araw ayon sa iniutos ni Moises. At kinaumagahan, hindi ito nangamoy o inuod.

25Sinabi ni Moises, “Kainin nʼyo iyan ngayon, dahil ngayon ang Araw ng Pamamahinga para sa Panginoon. Wala kayong makikita niyan ngayon.

26Makakakuha kayo ng pagkaing ito sa loob ng anim na araw, pero sa ikapitong araw ay magpahinga kayo. Sa araw na iyon, wala kayong makukuhang pagkain.”

27May mga tao pa ring lumabas upang manguha ng pagkain sa ikapitong araw, pero wala silang nakita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.