33Sinabi ni Moises kay Aaron, “Kumuha kayo ng sisidlan at lagyan ito ng isang salop na manna. Pagkatapos, ilagay ninyo ito sa harapan ng Panginoon para sa susunod pang mga henerasyon.”
34Sinunod ni Aaron ang iniutos ng Panginoon kay Moises. Inilagay niya ito sa Kahon ng Patotoo para maitago.
35Kumain ang mga Israelita ng manna sa loob ng apatnapung taon, hanggang sa makarating sila sa lupain ng Canaan.
36(Ang pantakal ng manna ay ang omer na ang katumbas ay dalawang litro o ikasampung bahagi ng efa.)