Exodus 17

Sumagot ang Panginoon kay Moises, “Kunin mo ang iyong baston na inihampas mo sa Ilog Nilo, at pangunahan mo ang mga tao kasama ng ilang mga pinuno ng Israel.

Exodus 17:5 (UKJV) And the LORD said unto Moses, Go on before the people, and take with you of the elders of Israel; and your rod, wherewith you smote the river, take in yours hand, and go.

3Ngunit uhaw na uhaw ang mga tao roon, kaya patuloy ang pagrereklamo nila kay Moises, “Bakit mo pa kami inilabas ng Ehipto? Mamamatay din lang pala kami rito sa uhaw pati ang mga anak at mga hayop namin.”

4Kaya humingi ng tulong si Moises sa Panginoon, “Ano po ba ang gagawin ko sa mga taong ito? Halos batuhin na nila ako!”

5Sumagot ang Panginoon kay Moises, “Kunin mo ang iyong baston na inihampas mo sa Ilog Nilo, at pangunahan mo ang mga tao kasama ng ilang mga pinuno ng Israel.

6Ako ay tatayo sa harap mo roon sa may bato sa Bundok Horeb. Hampasin mo ang bato at lalabas ang tubig na iinumin ng mga tao.” Kaya ginawa ito ni Moises sa harap ng mga pinuno ng Israel.

7Tinawag ni Moises ang lugar na Masa at Meriba, dahil nakipagtalo sa kanya ang mga Israelita at sinubukan nila ang Panginoon sa pamamagitan ng pagsasabi, “Kasama ba natin ang Panginoon o hindi?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.