Exodus 17

Ako ay tatayo sa harap mo roon sa may bato sa Bundok Horeb. Hampasin mo ang bato at lalabas ang tubig na iinumin ng mga tao.” Kaya ginawa ito ni Moises sa harap ng mga pinuno ng Israel.

Exodus 17:6 (UKJV) Behold, I will stand before you there upon the rock in Horeb; and you shall strike the rock, and there shall come water out of it, that the people may drink. And Moses did so in the sight of the elders of Israel.

4Kaya humingi ng tulong si Moises sa Panginoon, “Ano po ba ang gagawin ko sa mga taong ito? Halos batuhin na nila ako!”

5Sumagot ang Panginoon kay Moises, “Kunin mo ang iyong baston na inihampas mo sa Ilog Nilo, at pangunahan mo ang mga tao kasama ng ilang mga pinuno ng Israel.

6Ako ay tatayo sa harap mo roon sa may bato sa Bundok Horeb. Hampasin mo ang bato at lalabas ang tubig na iinumin ng mga tao.” Kaya ginawa ito ni Moises sa harap ng mga pinuno ng Israel.

7Tinawag ni Moises ang lugar na Masa at Meriba, dahil nakipagtalo sa kanya ang mga Israelita at sinubukan nila ang Panginoon sa pamamagitan ng pagsasabi, “Kasama ba natin ang Panginoon o hindi?”

8Nang naroon pa ang mga Israelita sa Refidim, sinalakay sila ng mga Amalekita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.