Exodus 17

Tinawag ni Moises ang lugar na Masa at Meriba, dahil nakipagtalo sa kanya ang mga Israelita at sinubukan nila ang Panginoon sa pamamagitan ng pagsasabi, “Kasama ba natin ang Panginoon o hindi?”

Exodus 17:7 (UKJV) And he called the name of the place Massah, and Meribah, because of the chiding of the children of Israel, and because they tempted the LORD, saying, Is the LORD among us, or not?

5Sumagot ang Panginoon kay Moises, “Kunin mo ang iyong baston na inihampas mo sa Ilog Nilo, at pangunahan mo ang mga tao kasama ng ilang mga pinuno ng Israel.

6Ako ay tatayo sa harap mo roon sa may bato sa Bundok Horeb. Hampasin mo ang bato at lalabas ang tubig na iinumin ng mga tao.” Kaya ginawa ito ni Moises sa harap ng mga pinuno ng Israel.

7Tinawag ni Moises ang lugar na Masa at Meriba, dahil nakipagtalo sa kanya ang mga Israelita at sinubukan nila ang Panginoon sa pamamagitan ng pagsasabi, “Kasama ba natin ang Panginoon o hindi?”

8Nang naroon pa ang mga Israelita sa Refidim, sinalakay sila ng mga Amalekita.

9Sinabi ni Moises kay Josue, “Pumili ka ng ilang mga lalaki na kasama natin at labanan ninyo ang mga Amalekita. Bukas, tatayo ako sa ibabaw ng burol hawak ang baston ng Diyos.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.