7Tinawag ni Moises ang lugar na Masa at Meriba, dahil nakipagtalo sa kanya ang mga Israelita at sinubukan nila ang Panginoon sa pamamagitan ng pagsasabi, “Kasama ba natin ang Panginoon o hindi?”
8Nang naroon pa ang mga Israelita sa Refidim, sinalakay sila ng mga Amalekita.
9Sinabi ni Moises kay Josue, “Pumili ka ng ilang mga lalaki na kasama natin at labanan ninyo ang mga Amalekita. Bukas, tatayo ako sa ibabaw ng burol hawak ang baston ng Diyos.”
10Kaya nakipaglaban sina Josue sa mga Amalekita ayon sa iniutos ni Moises, habang sina Moises, Aaron at Hur ay umakyat sa burol.
11At habang nakataas ang kamay ni Moises, nananalo ang mga Israelita, pero kapag ibinababa niya ang kanyang kamay nananalo naman ang mga Amalekita.