12Pagkatapos, nag-alay si Jetro ng mga handog na sinusunog at iba pang mga handog sa Diyos. At habang ginagawa niya ito, dumating si Aaron at ang lahat ng pinuno ng Israel. Sumama sila kay Jetro upang kumain sa harapan ng Diyos.
13Kinaumagahan, naupo si Moises bilang hukom upang dinggin ang mga kaso ng mga tao. Nakapila ang mga tao sa harapan niya mula umaga hanggang gabi.
14Nang makita ito ni Jetro, sinabi niya kay Moises, “Bakit ginagawa mo ito para sa mga tao? At bakit mag-isa mo itong ginagawa? Pumipila sa iyo ang mga tao mula umaga hanggang gabi.”
15Sumagot si Moises, “Ginagawa ko po ito dahil lumalapit ang mga tao sa akin upang malaman ang kalooban ng Diyos.
16Kung may pagtatalo ang mga tao, dinadala nila ito sa akin, at ako ang nagdedesisyon kung sino sa kanila ang tama. At tinuturuan ko sila ng mga tuntunin at kautusan ng Diyos.”