Exodus 18

Kinaumagahan, naupo si Moises bilang hukom upang dinggin ang mga kaso ng mga tao. Nakapila ang mga tao sa harapan niya mula umaga hanggang gabi.

Exodus 18:13 (UKJV) And it came to pass on the next day, that Moses sat to judge the people: and the people stood by Moses from the morning unto the evening.

11Nalalaman ko ngayon na mas makapangyarihan ang Panginoon sa lahat ng diyos, dahil iniligtas niya ang mga Israelita sa mga Ehipsiyong nagmamaltrato sa kanila.”

12Pagkatapos, nag-alay si Jetro ng mga handog na sinusunog at iba pang mga handog sa Diyos. At habang ginagawa niya ito, dumating si Aaron at ang lahat ng pinuno ng Israel. Sumama sila kay Jetro upang kumain sa harapan ng Diyos.

13Kinaumagahan, naupo si Moises bilang hukom upang dinggin ang mga kaso ng mga tao. Nakapila ang mga tao sa harapan niya mula umaga hanggang gabi.

14Nang makita ito ni Jetro, sinabi niya kay Moises, “Bakit ginagawa mo ito para sa mga tao? At bakit mag-isa mo itong ginagawa? Pumipila sa iyo ang mga tao mula umaga hanggang gabi.”

15Sumagot si Moises, “Ginagawa ko po ito dahil lumalapit ang mga tao sa akin upang malaman ang kalooban ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.