9Tuwang-tuwa si Jetro sa lahat ng kabutihang ginawa ng Panginoon sa mga Israelita nang iligtas niya sila sa kamay ng mga Ehipsiyo.
10Sinabi ni Jetro, “Purihin ang Panginoon na nagligtas sa inyo sa kamay ng mga Ehipsiyo at ng Faraon.
11Nalalaman ko ngayon na mas makapangyarihan ang Panginoon sa lahat ng diyos, dahil iniligtas niya ang mga Israelita sa mga Ehipsiyong nagmamaltrato sa kanila.”
12Pagkatapos, nag-alay si Jetro ng mga handog na sinusunog at iba pang mga handog sa Diyos. At habang ginagawa niya ito, dumating si Aaron at ang lahat ng pinuno ng Israel. Sumama sila kay Jetro upang kumain sa harapan ng Diyos.
13Kinaumagahan, naupo si Moises bilang hukom upang dinggin ang mga kaso ng mga tao. Nakapila ang mga tao sa harapan niya mula umaga hanggang gabi.