17Sinabi ni Jetro, “Hindi tama ang pamamaraan mong ito.
18Pinapahirapan mo lang ang sarili mo at ang mga taong ito. Napakahirap nito kung ikaw lang.
19Makinig ka sa akin at papayuhan kita, at sanaʼy samahan ka ng Diyos. Ipagpatuloy mo ang ginagawa mong paglapit sa Diyos para sa mga tao. Dalhin mo ang mga kaso nila sa kanya.
20Ipagpatuloy mo rin ang pagtuturo mo sa kanila ng mga tuntunin at kautusan ng Diyos. Turuan mo rin sila kung paano mamuhay at kung ano ang gagawin nila.
21At pumili ka sa taong-bayan ng mga lalaking may kakayahan, may takot sa Diyos, mapagkakatiwalaan, at hindi tumatanggap ng suhol. Gawin mo silang mga pinuno ng mga pangkat na binubuo ng isang libo, isang daan, limampu at sampung tao.