15Sumagot si Moises, “Ginagawa ko po ito dahil lumalapit ang mga tao sa akin upang malaman ang kalooban ng Diyos.
16Kung may pagtatalo ang mga tao, dinadala nila ito sa akin, at ako ang nagdedesisyon kung sino sa kanila ang tama. At tinuturuan ko sila ng mga tuntunin at kautusan ng Diyos.”
17Sinabi ni Jetro, “Hindi tama ang pamamaraan mong ito.
18Pinapahirapan mo lang ang sarili mo at ang mga taong ito. Napakahirap nito kung ikaw lang.
19Makinig ka sa akin at papayuhan kita, at sanaʼy samahan ka ng Diyos. Ipagpatuloy mo ang ginagawa mong paglapit sa Diyos para sa mga tao. Dalhin mo ang mga kaso nila sa kanya.