1Nabalitaan ni Jetro, na pari ng Midian at biyenan ni Moises, ang lahat ng ginawa ng Diyos kay Moises at sa mga mamamayan niyang Israelita. Nabalitaan niya kung paanong inilabas ng Panginoon ang mga Israelita sa Ehipto.
2Pinauwi noon ni Moises kay Jetro na kanyang biyenan ang asawa niyang si Zipora
3at ang dalawang anak nilang lalaki. Ang pangalan ng panganay ay Gerson, dahil nang ipinanganak siya, sinabi ni Moises, “Dayuhan ako sa ibang lupain.”
4Ang pangalan ng pangalawa ay Eliezer, dahil nang ipinanganak siya, sinabi ni Moises, “Ang Diyos ng aking ama ang tumutulong sa akin. Iniligtas niya ako sa espada ng Faraon.”
5Ngayon, pumunta sila Jetro, ang asawa ni Moises at ang dalawa nilang anak sa pinagkakampuhan ni Moises sa ilang, malapit sa bundok ng Diyos.