3at ang dalawang anak nilang lalaki. Ang pangalan ng panganay ay Gerson, dahil nang ipinanganak siya, sinabi ni Moises, “Dayuhan ako sa ibang lupain.”
4Ang pangalan ng pangalawa ay Eliezer, dahil nang ipinanganak siya, sinabi ni Moises, “Ang Diyos ng aking ama ang tumutulong sa akin. Iniligtas niya ako sa espada ng Faraon.”
5Ngayon, pumunta sila Jetro, ang asawa ni Moises at ang dalawa nilang anak sa pinagkakampuhan ni Moises sa ilang, malapit sa bundok ng Diyos.
6Nagpasabi na si Jetro kay Moises na darating siya kasama si Zipora at ang dalawa nilang anak.
7Kaya sinalubong ni Moises ang kanyang biyenan. Yumukod siya at humalik sa kanya bilang paggalang. Nagkumustahan sila at pagkatapos, pumasok sa tolda.