Exodus 18

Kaya sinalubong ni Moises ang kanyang biyenan. Yumukod siya at humalik sa kanya bilang paggalang. Nagkumustahan sila at pagkatapos, pumasok sa tolda.

Exodus 18:7 (UKJV) And Moses went out to meet his father in law, and did reverence, and kissed him; and they asked each other of their welfare; and they came into the tent.

5Ngayon, pumunta sila Jetro, ang asawa ni Moises at ang dalawa nilang anak sa pinagkakampuhan ni Moises sa ilang, malapit sa bundok ng Diyos.

6Nagpasabi na si Jetro kay Moises na darating siya kasama si Zipora at ang dalawa nilang anak.

7Kaya sinalubong ni Moises ang kanyang biyenan. Yumukod siya at humalik sa kanya bilang paggalang. Nagkumustahan sila at pagkatapos, pumasok sa tolda.

8Sinabi ni Moises kay Jetro ang lahat ng ginawa ng Panginoon sa Faraon at sa mga Ehipsiyo para sa mga Israelita. Sinabi rin niya ang lahat ng paghihirap na naranasan nila sa paglalakbay at kung paano sila iniligtas ng Panginoon.

9Tuwang-tuwa si Jetro sa lahat ng kabutihang ginawa ng Panginoon sa mga Israelita nang iligtas niya sila sa kamay ng mga Ehipsiyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.