Exodus 19

Mula sa Refidim, nakarating sila sa ilang ng Sinai at nagkampo sa paanan ng bundok.

Exodus 19:2 (UKJV) For they were departed from Rephidim, and were come to the desert of Sinai, and had pitched in the wilderness; and there Israel camped before the mount.

1Sa unang araw ng ikatlong buwan mula nang lisanin ng mga Israelita ang Ehipto, nakarating sila sa ilang ng Sinai.

2Mula sa Refidim, nakarating sila sa ilang ng Sinai at nagkampo sa paanan ng bundok.

3Umakyat si Moises sa bundok upang makipagtagpo sa Diyos. Tinawag siya ng Panginoon doon sa bundok at sinabi, “Sabihin mo ito sa mga Israelita, sa mga lahi ni Jacob:

4‘Nakita nʼyo mismo kung ano ang ginawa ko sa mga Ehipsiyo, at kung paano ko kayo dinala rito sa akin, katulad ng pagdadala ng agila sa mga inakay niya sa pamamagitan ng kanyang pakpak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.