Exodus 19

Umakyat si Moises sa bundok upang makipagtagpo sa Diyos. Tinawag siya ng Panginoon doon sa bundok at sinabi, “Sabihin mo ito sa mga Israelita, sa mga lahi ni Jacob:

Exodus 19:3 (UKJV) And Moses went up unto God, and the LORD called unto him out of the mountain, saying, Thus shall you say to the house of Jacob, and tell the children of Israel;

1Sa unang araw ng ikatlong buwan mula nang lisanin ng mga Israelita ang Ehipto, nakarating sila sa ilang ng Sinai.

2Mula sa Refidim, nakarating sila sa ilang ng Sinai at nagkampo sa paanan ng bundok.

3Umakyat si Moises sa bundok upang makipagtagpo sa Diyos. Tinawag siya ng Panginoon doon sa bundok at sinabi, “Sabihin mo ito sa mga Israelita, sa mga lahi ni Jacob:

4‘Nakita nʼyo mismo kung ano ang ginawa ko sa mga Ehipsiyo, at kung paano ko kayo dinala rito sa akin, katulad ng pagdadala ng agila sa mga inakay niya sa pamamagitan ng kanyang pakpak.

5Kung lubos ninyo akong susundin at tutuparin ang aking kasunduan, pipiliin ko kayo sa lahat ng bansa upang maging mga mamamayan ko. Akin ang buong mundo,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.