Exodus 20

“Huwag kayong sasamba sa ibang diyos maliban sa akin.

Exodus 20:3 (UKJV) You shall have no other gods before me.

1Sinabi ng Panginoon:

2“Ako ang Panginoon na inyong Diyos na naglabas sa inyo sa Ehipto kung saan kayo inalipin.

3“Huwag kayong sasamba sa ibang diyos maliban sa akin.

4Huwag kayong gagawa ng imahen ng anumang bagay sa langit, o sa lupa, o sa tubig, para gawing diyos-diyosan ninyo.

5Huwag ninyong paglilingkuran o sasambahin ang mga ito, dahil ako ang Panginoon na inyong Diyos ay mapanibughuin. Pinaparusahan ko ang mga nagkakasala sa akin, pati na ang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na henerasyon ng mga napopoot sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.