Exodus 21

ngunit kung sa bandang huliʼy makabangon at makalakad ang napilay, kahit na nakatungkod pa siya, ang taong nanakit sa kanyaʼy hindi dapat parusahan. Ngunit kailangang magbayad ang tao sa kanya sa nasayang na panahon, at kailangan siyang alagaan ng taong nanakit hanggang sa gumaling siya.

Exodus 21:19 (UKJV) If he rise again, and walk abroad upon his staff, then shall he that stroke him be quit: only he shall pay for the loss of his time, and shall cause him to be thoroughly healed.

17“Ang sinumang lumapastangan sa kanyang ama at ina ay papatayin.

18“Halimbawang nag-away ang dalawang tao, sinuntok o binato ang kanyang kaaway at siyaʼy nabalda at hindi na makabangon pero hindi namatay,

19ngunit kung sa bandang huliʼy makabangon at makalakad ang napilay, kahit na nakatungkod pa siya, ang taong nanakit sa kanyaʼy hindi dapat parusahan. Ngunit kailangang magbayad ang tao sa kanya sa nasayang na panahon, at kailangan siyang alagaan ng taong nanakit hanggang sa gumaling siya.

20“Kapag hinagupit ng tungkod ng sinuman ang kanyang alipin, lalaki man o babae, at agad itong namatay, parurusahan siya.

21Ngunit kung makakabangon ang alipin pagkalipas ng isa o dalawang araw, hindi siya parurusahan dahil pagmamay-ari niya ang alipin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.