23Kung gagawin ninyo ito, at humingi sila ng tulong sa akin, siguradong tutulungan ko sila.
24Talagang magagalit ako sa inyo at papatayin ko kayo sa digmaan. Mabibiyuda ang inyong mga asawa at mauulila ang inyong mga anak.
25“Kung magpapahiram kayo ng pera sa sinuman sa aking mga mamamayang mahihirap na naninirahang kasama ninyo, huwag ninyong tutubuan gaya ng ginagawa ng mga nagpapahiram ng pera.
26Kung kukunin ninyo ang balabal ng kapwa ninyo bilang garantiya sa inutang niya, kailangang isauli mo ito sa kanya bago lumubog ang araw.
27Sapagkat ito lang ang pangtakip niya sa kanyang katawan kapag natutulog siya sa gabi. Kung hihingi siya ng tulong sa akin, tutulungan ko siya dahil maawain ako.