25“Kung magpapahiram kayo ng pera sa sinuman sa aking mga mamamayang mahihirap na naninirahang kasama ninyo, huwag ninyong tutubuan gaya ng ginagawa ng mga nagpapahiram ng pera.
26Kung kukunin ninyo ang balabal ng kapwa ninyo bilang garantiya sa inutang niya, kailangang isauli mo ito sa kanya bago lumubog ang araw.
27Sapagkat ito lang ang pangtakip niya sa kanyang katawan kapag natutulog siya sa gabi. Kung hihingi siya ng tulong sa akin, tutulungan ko siya dahil maawain ako.
28“Huwag ninyong lalapastanganin ang Diyos at susumpain ang inyong pinuno.
29“Huwag ninyong kalilimutan ang paghahandog sa akin mula sa inyong mga ani, alak at mga langis. “Italaga rin ninyo sa akin ang inyong mga panganay na lalaki,