4Kung ang baka o asno o tupa na ninakaw niya ay nasa kanya pa, babayaran niya ito ng doble.
5“Kung nanginain ang mga hayop sa taniman ng iba, kailangang bayaran ng may-ari ng pinakamagandang ani ng kanyang bukid o kaya ng kanyang ubasan ang nakaing mga pananim.
6“Kung may nagsiga at kumalat ang apoy sa dawagan, at nasunog ang mga naani na o ang mga hindi pa naani o ang buong bukid, kailangang bayaran ng nagsiga ang mga pananim na nasira.
7“Kung may nagpatago ng pera o kahit anong bagay sa kapitbahay niya at ninakaw ito sa bahay ng kapitbahay na iyon, kailangang magbayad ng doble ang magnanakaw kung nahuli siya.
8Ngunit kung hindi nahuli ang magnanakaw, kailangang dalhin ang pinagpataguan sa harapan ng mga hukom at sila ang magpapasya kung kinuha niya o hindi ang ipinatago sa kanya.