Exodus 22

Ngunit kung hindi nahuli ang magnanakaw, kailangang dalhin ang pinagpataguan sa harapan ng mga hukom at sila ang magpapasya kung kinuha niya o hindi ang ipinatago sa kanya.

Exodus 22:8 (UKJV) If the thief be not found, then the master of the house shall be brought unto the judges, to see whether he have put his hand unto his neighbour's goods.

6“Kung may nagsiga at kumalat ang apoy sa dawagan, at nasunog ang mga naani na o ang mga hindi pa naani o ang buong bukid, kailangang bayaran ng nagsiga ang mga pananim na nasira.

7“Kung may nagpatago ng pera o kahit anong bagay sa kapitbahay niya at ninakaw ito sa bahay ng kapitbahay na iyon, kailangang magbayad ng doble ang magnanakaw kung nahuli siya.

8Ngunit kung hindi nahuli ang magnanakaw, kailangang dalhin ang pinagpataguan sa harapan ng mga hukom at sila ang magpapasya kung kinuha niya o hindi ang ipinatago sa kanya.

9“Kung may dalawang taong nagtatalo tungkol sa kung sino sa kanila ang may-ari ng isang pag-aari kagaya ng baka, asno, tupa, damit o kahit anong bagay, dapat nilang dalhin ang kaso nila sa harapan ng Diyos. Ang taong nagkasala ayon sa desisyon ng Diyos ay magbabayad ng doble sa totoong may-ari.

10“Kung pinaalagaan ng isang tao ang kanyang baka, asno, tupa o kahit anong hayop sa kanyang kapwa, at namatay ito, o nasugatan o nawala nang walang nakakita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.