8Ngunit kung hindi nahuli ang magnanakaw, kailangang dalhin ang pinagpataguan sa harapan ng mga hukom at sila ang magpapasya kung kinuha niya o hindi ang ipinatago sa kanya.
9“Kung may dalawang taong nagtatalo tungkol sa kung sino sa kanila ang may-ari ng isang pag-aari kagaya ng baka, asno, tupa, damit o kahit anong bagay, dapat nilang dalhin ang kaso nila sa harapan ng Diyos. Ang taong nagkasala ayon sa desisyon ng Diyos ay magbabayad ng doble sa totoong may-ari.
10“Kung pinaalagaan ng isang tao ang kanyang baka, asno, tupa o kahit anong hayop sa kanyang kapwa, at namatay ito, o nasugatan o nawala nang walang nakakita.
11Dapat pumunta ang nag-alaga sa harapan ng Panginoon at susumpang wala siyang nalalaman tungkol sa nangyari. Dapat itong paniwalaan ng may-ari, at hindi na siya pagbabayarin.
12Ngunit kung ninakaw ang hayop, dapat magbayad ang nag-alaga sa may-ari.