Exodus 22

Dapat pumunta ang nag-alaga sa harapan ng Panginoon at susumpang wala siyang nalalaman tungkol sa nangyari. Dapat itong paniwalaan ng may-ari, at hindi na siya pagbabayarin.

Exodus 22:11 (UKJV) Then shall an oath of the LORD be between them both, that he has not put his hand unto his neighbour's goods; and the owner of it shall accept thereof, and he shall not make it good.

9“Kung may dalawang taong nagtatalo tungkol sa kung sino sa kanila ang may-ari ng isang pag-aari kagaya ng baka, asno, tupa, damit o kahit anong bagay, dapat nilang dalhin ang kaso nila sa harapan ng Diyos. Ang taong nagkasala ayon sa desisyon ng Diyos ay magbabayad ng doble sa totoong may-ari.

10“Kung pinaalagaan ng isang tao ang kanyang baka, asno, tupa o kahit anong hayop sa kanyang kapwa, at namatay ito, o nasugatan o nawala nang walang nakakita.

11Dapat pumunta ang nag-alaga sa harapan ng Panginoon at susumpang wala siyang nalalaman tungkol sa nangyari. Dapat itong paniwalaan ng may-ari, at hindi na siya pagbabayarin.

12Ngunit kung ninakaw ang hayop, dapat magbayad ang nag-alaga sa may-ari.

13Kung napatay ng mabangis na hayop ang hayop, kailangang dalhin niya ang natirang parte ng hayop bilang patunay, at hindi na niya ito kailangang bayaran.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.