Exodus 22

“Kung may dalawang taong nagtatalo tungkol sa kung sino sa kanila ang may-ari ng isang pag-aari kagaya ng baka, asno, tupa, damit o kahit anong bagay, dapat nilang dalhin ang kaso nila sa harapan ng Diyos. Ang taong nagkasala ayon sa desisyon ng Diyos ay magbabayad ng doble sa totoong may-ari.

Exodus 22:9 (UKJV) For all manner of trespass, whether it be for ox, for ass, for sheep, for raiment, or for any manner of lost thing which another challenges to be his, the cause of both parties shall come before the judges; and whom the judges shall condemn, he shall pay double unto his neighbour.

7“Kung may nagpatago ng pera o kahit anong bagay sa kapitbahay niya at ninakaw ito sa bahay ng kapitbahay na iyon, kailangang magbayad ng doble ang magnanakaw kung nahuli siya.

8Ngunit kung hindi nahuli ang magnanakaw, kailangang dalhin ang pinagpataguan sa harapan ng mga hukom at sila ang magpapasya kung kinuha niya o hindi ang ipinatago sa kanya.

9“Kung may dalawang taong nagtatalo tungkol sa kung sino sa kanila ang may-ari ng isang pag-aari kagaya ng baka, asno, tupa, damit o kahit anong bagay, dapat nilang dalhin ang kaso nila sa harapan ng Diyos. Ang taong nagkasala ayon sa desisyon ng Diyos ay magbabayad ng doble sa totoong may-ari.

10“Kung pinaalagaan ng isang tao ang kanyang baka, asno, tupa o kahit anong hayop sa kanyang kapwa, at namatay ito, o nasugatan o nawala nang walang nakakita.

11Dapat pumunta ang nag-alaga sa harapan ng Panginoon at susumpang wala siyang nalalaman tungkol sa nangyari. Dapat itong paniwalaan ng may-ari, at hindi na siya pagbabayarin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.