Exodus 27

“Para sa pintuan ng bakuran, palagyan mo ng tabing na tatlumpung talampakan ang haba na gawa sa lanang asul, ube at pula at hinabing pinong lino. At binurdahan ng mambuburda. Nakasabit ito sa apat na haligi na nakasuksok sa apat na patungan.

Exodus 27:16 (UKJV) And for the gate of the court shall be an hanging of twenty cubits, of blue, and purple, and scarlet, and fine twined linen, wrought with needlework: and their pillars shall be four, and their sockets four.

14Ang pintuan ng bakuran ay nasa silangan, at may mga kurtina rin ito sa gilid. Ang kurtina sa kanan ay dalawampuʼt dalawa at kalahating talampakan ang haba, at nakakabit sa tatlong haligi na nakasuksok sa tatlo ring patungan.

15Ang kurtina sa kaliwa ay dalawampuʼt dalawa at kalahating talampakan ang haba, at nakakabit din ito sa tatlong haligi na nakasuksok sa tatlo ring patungan.

16“Para sa pintuan ng bakuran, palagyan mo ng tabing na tatlumpung talampakan ang haba na gawa sa lanang asul, ube at pula at hinabing pinong lino. At binurdahan ng mambuburda. Nakasabit ito sa apat na haligi na nakasuksok sa apat na patungan.

17Kailangang may kawit at baras na pilak ang lahat ng haligi sa palibot ng bakuran, at kailangan ding may mga tansong patungan.

18Ang haba ng bakuran ay 150 talampakan at ang lapad ay pitumpuʼt limang talampakan. Mayroon itong tabing na gawa sa hinabing pinong lino, na pitoʼt kalahating talampakan ang taas. Ang mga patungan nitoʼy gawa sa tanso.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.